You are here: HomeNews UpdateLatest NewsKabataan partylist, tinutulan ang panukalang pagpaliban sa SK election

Kabataan partylist, tinutulan ang panukalang pagpaliban sa SK election

By  Bombo Bacolod Posted in Latest News Wednesday, 04 September 2013 16:02
BACOLOD CITY – Hindi pabor si Kabataan Partylist representative Atty. Terry Ridon na ipagpaliban ang sangguniang kabataan election sa susunod na taon.
 
Ayon kay Ridon, dapat na pag-aralan muna ng maige ng mga senador ang hakbang ni Sen. Bongbong Marcos at huwag magdesisyon na hindi nakonsulta ang mga mamamayan.
 
Kaugnay nito, sinabi ni Ridon na gagawa ito ng hakbang sa Kamara upang mapigilan ang postponement sa SK election at dapat na matuloy ito sa Octubre 28, 2013 batay sa itinakda ng batas.
 
Ipinaliwanag nito na hindi nararapat na sa SK isisi ang mga korapsyon na nangyayari ngayon sa bansa.
 
Read 807 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email:  This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.