You are here: HomeNews UpdateLatest NewsIba pang mayors sa Ilocos Norte umalma rin sa pineke na pirma re: pork barrel scam

Iba pang mayors sa Ilocos Norte umalma rin sa pineke na pirma re: pork barrel scam

By  Bombo Laoag Posted in Latest News Friday, 16 August 2013 14:13
LAOAG CITY - “Wala kaming natanggap.”
 
Ito ang nagkakaisang sagot ng mga alkalde sa mga bayan ng Ilocos Norte na umano'y recipients o nakatanggap ng pondo mula sa kontrobersiyal na Priority Development Assistance (PDAF) ng mga mambabatas.
 
Lumalabas na nabigyan ng tig-P10 milyon ang ilang bayan sa Ilocos Norte tulad ng San Nicolas, Vintar, Solsona, Pagudpud, Paoay, Pasuquin at Banna mula sa PDAF ni Sen. Bongbong Marcos.
 
Ayon kina dating mayor na ngayon ay Vice Mayor Alfredo Valdez Jr. ng San Nicolas, Ilocos Norte, dating Mayor Bobby Clemente ng Paoay, at dating Mayor Joseph de Lara ng Solsona, wala silang natatanggap na P10 milyon mula sa PDAF ng senador.
 
Nagulat na lamang ang mga ito nang ipakita ng Commission on Audit (CoA) ang mga dokumentong nagpapatunay daw na natanggap ng kanilang bayan ang naturang kantidad at may pirma pa ang mga ito.
 
Katunayan ani Valdez, noon pang nakaraang taon ay may affidavit na sila na nagpapatunay na wala silang natatanggap na pondo ni Sen. Marcos at pineke lamang ang kanilang pirma.
 
Siniguro ng naturang mga mayor na handa silang humarap sa imbestigasyun kung tatawagan sila ng Department of Justice (DoJ).
 
Read 648 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email:  This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.