You are here: HomeNews UpdateLatest NewsMisis nag-suicide dahil sa pakikipag-inuman ng asawa, mister sinaksak ang sarili

Misis nag-suicide dahil sa pakikipag-inuman ng asawa, mister sinaksak ang sarili

By  Posted in Latest News Wednesday, 07 August 2013 08:03

Patuloy pa na iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang pagkamatay ng isang misis na umanoy nagbigti nitong umaga sa kanilang tahanan sa 1880A Lotus St., Punta, Sta. Ana, Maynila.


Sa ulat ng Sta. Ana Police Homicide Section, nagpaalam si Ricky Bedonio sa kaniyang misis na si Ruby Bedonio para makipag-inuman sa kaniyang mga kaibigan subalit pag-uwi sa kanilang bahay ay nadatnang nakabigti ang misis.


Kuwento ni PO3 Jupiter Tajonera ng MPD-Homicide Section, winakasan ng biktimang si Ruby, 30, ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti gamit ang lubid dahil sa hindi maawat na bisyo ng kanyang mister na si Ricky, 27, na madalas nilang pag-awayan.


Ayon sa pulisya, dead-on-arrival na nang dumating sa ospital ang biktima habang nagwala naman ang mister at sinaksak pa ang kaniyang sarili dahil ito'y lasing pa.


Inaalam pa ng pulisya kung nagkaroon ng "foul play" sa insidente.

Read 778 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.