You are here: HomeNews UpdateLatest NewsIlang LGUs sa Mindanao kontra sa balak na protesta ng MNLF vs MILF deal

Ilang LGUs sa Mindanao kontra sa balak na protesta ng MNLF vs MILF deal

By  MRDS Posted in Latest News Thursday, 25 July 2013 22:50
ZAMBOANGA CITY - Nagpakita na ng pagtutol ang ilang mga lokal na pamahalaan sa planong pagsagawa ng protesta ng grupo ng Moro National Liberation Front (MNLF) para ipakita sa pamahalaan ang malaking pagtutol sa inilagdang Bangsamoro Framework Agreement.
 
Sa mensahe ni Isabela City Mayor Cherrylyn Santos-Akbar, nilinaw nito na nakipag-ugnayan na siya sa militar sa lalawigan para pigilan ang anumang hakbang ng MNLF kaugnay dito.
 
“Upon my instructions to brigade commander Col. Carlito Galvez, he already talked with the chairman ang leaders of the MNLF this morning ang it was agreed that the MNLF cannot have peace rally or caravan in Isabeal City. They can have their activities only at tolerated MNLF communities. This is to prevent panic and unnecessary alarm among the civilians, but we still have to be extra vigilant to protect our lives and properties,” ani Mayor Akbar. 
 
Samantala sa Zamboanga City, nagpasa ng isang resolution ang sangguniang panglungosd na humihiling sa MNLF na huwag isali ang lungsod sa mga aktibidad na kanilang gagawin gaya na lamang ng pagpoprotesta.
 
Ang Isabela City at ang lungsod ng Zamboanga ay hindi parte ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) kaya malaki ang paniwala ng mga opisyal na walang sapat na dahilan ang MNLF para gawin din ang mga pagpoprotesta sa lugar.
 
Sinabi ni Misuari na pagbibigyan niya ang hiling ng pamahalaang lokal at pipigilan din niya na may mangyayaring hindi maganda hangga't maaari.
 
Maaalala na nagresulta sa matinding takot sa mga residente sa Lamitan City, Basilan noong ika-8 nitong buwan nang magmartsa ang maraming mga armadong miyembro ng MNLF kung saan wala ring nagawa ang mga pulis at mga sundalo para pigilan ang mga ito.
 
Nilinaw ng MNLF na isa lamang peace caravan ang kanilang ginawa subalit ipinagtataka ng mga residente kung bakit mga armado silang nagmartsa. 
 
Mismong ang lokal na pamahalaan ng Lamitan City ay walang nagawa para pigilan ang nasabing aktibidad ng MNLF pero siniguro ng mga ito na hindi na nila papayagan na mangyayari muli ang kaparehong insidente. (MRDS)
Read 689 times Last modified on Thursday, 25 July 2013 23:18

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email:  This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.