Ika-27 buwan ng Maguindanao massacre: Hustisya mailap pa rin

KORONADAL CITY - Isang candle lighting ceremony ang isasagawa ngayong araw sa lungsod ng Kidapawan kasabay ng paggunita ng ika-27 buwan matapos maganap ang Maguindanao massacre noong Nobyembre 23, 2009.

Ang nasabing seremonyas ay pangungunahan ng grupo ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) Kidapawan chapter.

Maliban dito, ilang pamilya ng mga biktima ng masaker ay dadalaw sa mga puntod ng kanilang mga nasawing mahal sa buhay.

Hustisya pa rin para sa kanilang mga mahal sa buhay ang hangad ng pamilya ng mga biktima na patuloy pa rin na mailap hanggang sa ngayon.

Usad pagong din kaso ang kaso dahilan sa maraming mga testigo na nakahanay isalang ng prosekusyon at mga hirit ng defense lawyers ng mga Ampatuan.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter