Ina ng hazing victim, dumating na sa Phl galing Korea

Bago iniuwi sa Burgos, Isabela, sumailalim muna sa re-autopsy ang bangkay Marvin Reglos, ang freshman law student ng San Beda College na namatay dahil sa hazing.

Ang pagsasailalim sa second re-autopsy ay base na rin sa kahilingan ng pamilya ni Marvin.

Inaasahang makakasama sa pag-uwi ng bangkay ng 25-anyos na si Reglos ang kaniyang ina na nagmula sa Korea kung saan siya nagtratrabaho

Kasabay ng imbestigasyon ng PNP at NBI, bumuo rin ang San Beda Law school at Law Students organization ng komiteng mag-iimbestiga sa insidente.

Hindi na rin daw estudyante ng San Beda ang dalawang suspek na nahuli dahil expelled na ang mga ito noong nakaraang taon.

Idineklarang dead on arrival sa Unciano Medical Center sa Antipolo City si Reglos matapos magtamo ng matinding bugbog sa katawan dulot umano ng initiation rites sa pinasukan nitong fraternity sa San Beda.

Samantala, umapela si Justice Secretary Leila de Lima sa kaniyang mga kapatid sa fraternity na Lambda Rho Beta na makipagtulungan sa ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa pagkamatay ni Reglos.

Si Sec. de Lima ay miyembro ng Lambda Rho Sigma.

Kaagad inaatasan ng kalihim ang National Bureau of Investigation para mag-imbestiga sa kaso.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter