'Naarestong suspek sa Pinay murder sa Paris, positibo'

Positibo umano ang naarestong suspek sa pagpaslang sa isang negosyanteng Pinay sa bansang France.

Iniulat ni Philippine Ambassador to France Cristina Ortega, na narekober ng mga otoridad mula sa 40-year old Algerian national ang duguang mga damit at patalim na pinaniniwalaang ginamit sa kremin.

Una ng inihayag sa Bombo Radyo ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Raul Hernandez na posibleng kakilala ng biktimang si Ellen Ortega-Apilado, may-ari ng isang travel agency sa Paris ang salarin.

Maalala na noong Pebrero 17, natagpuang patay si Apilado sa loob ng kaniyang opisina at may tama ng saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Kabilang sa mga motibong nakikita ng mga imbestigador sa kremin ay pagnanakaw.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter