Pag-uwi ng labi ni Iggy Arroyo, tuloy na umano sa Biyernes

Itinuturing umanong "answered prayer" ni Aleli Arroyo ang nabuong arrangement sa pagitan nila ni Grace Ibuna para sa labi ng mister na si Negros Occidental Rep. Ignacio "Iggy" Arroyo.

Batay sa ulat, inaasahan na ngayong Biyernes ang uwi sa Pilipinas ng bangkay ng kongresista mula sa London, makalipas ang isang buwan ng ito ay pumanaw.

Pero sa naunang pahayag sa Bombo Radyo kay Atty. Lorna Kapunan, abogado ni Aleli, nakasalalay umano sa kondisyon ng labi ang magiging arrangement sa burol dahil sa posibilidad na naagnas na ang kongresista.


Alinsunod sa kasunduan, tatlong lugar ang paglalagakan ng burol ng labi ni Iggy, kabilang ang bahay ng Aleli, ancestral house ng mga Arroyo sa Bacolod City at House of Representatives bago tuluyan itong ililibing.


Sa ngayon ay hinihintay na lamang umano ni Quezon City Regional Trial Court Judge Eleuterio Bathan ang kopya ng out-for-court agreement ng dalawang partido bago ang paglalabas ng desisyon sa isinampang petition for injuction ni Aleli laban kay Ibuna.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter