Kritiko ng impeachment court, binatikos ni Miriam sa open court

Binanatan ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa open court ang mga kritiko  ng impeachment tribunal kaugnay ng pagtanggi ni Senate President Juan Ponce Enrile sa pagtestigo ng PAL executive sa Article 3 ng impeachment complaint ng prosekusyon.

Mistulang na-highblood pa ang senadora sa kanyang manifestation, nang banggitin ang mga taong nagkukunwaring matalino pa sa abogado o sa senator-judges sa pambabatikos laban sa ruling ng impeachment court.

Binigyang diin ni Santiago na tama ang naging ruling ni Enrile na aniya'y alinsunod sa probisyon ng Konstitusyon na dapat mabigyan ng proteksyon ang karapatan ng nasasakdal tulad ng pagdaan sa tamang proseso sa oras na sampahan ito ng asunto.

Ipinunto pa ng senadora na tama lamang ang ginawa ng korte na tanggapin lamang ang mga ebidensya at testigo na magbibigay ng impormasyon sa hukuman na may direktang kinalaman sa asunto at hindi para sa fishing expidition.

Tulad ng nakaraang pagdinig, maagang umalis ang senadora sa pagdinig upang makapagpahinga at para maiwasan na muling tumaas ang kanyang blood pressure.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter