Hustisya sa biktima ng hazing, sigaw ng pamilya at kababayan

CAUAYAN CITY, Isabela - Labis na nagdadalamhati ang mga kamag-anak at kaibigan sa Caliguian, Burgos, Isabela ng law student na si Marvin Reglos na namatay sa hazing sa kalakhang Maynila.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Vice Mayor Alexander Agliam ng Burgos, Isabela, na nagpasa ng resolusyon ang Sangguniang Bayan na umaapela kay Pangulong Noynoy Aquino na pakilusin ang mga otoridad para mabigyan ng hustisya sa lalong madaling panahon ang masaklap na sinapit ni Marvin.

Ayon kay Vice Mayor Agliam, prominenteng pamilya sa Burgos ang pamilya ng biktima.

Magkatabi ang kanyang farm at ang farm na pag-aari ng pamilya Reglos at nasubaybayan din niya ang paglaki ng binata kaya labis siyang nalulungkot wala sa panahon niyang kamatayan.

Si Reglos, 25, freshman law student sa San Beda College ay guro sa La Salette University sa Roxas, Isabela at neophyte sa Lambda Rho Beta Fraternity.

Ayon kay Vice Mayor Agliam, hiniling ng pamilya Reglos sa Munisipyo ng Burgos na gamitin ang ambulansiya nito para sa pagkuha sa bangkay ni Marvin sa Kalakhang Maynila.

Inaasahang maiuuwi bukas ang labi ni Reglos sa kanilang bahay sa Caliguian, Burgos, Isabela.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter