Lalaking may problema sa pag-iisip, patay matapos tumalon sa barko

CEBU CITY - Problema sa pag-iisip ang nakikita ngayong dahilan ng mga otoridad sa pagtalon-patay ng isang lalaki mula sa barkong M/S Saint Joseph The Worker" ng Negros Navigation Company Inc.

Kinilala ang biktima na si Marvin Andales, 25, residente ng Brgy. Inayawan, siyudad ng Cebu.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG)-Cebu, galing umano sa Maynila ang nasabing barko at nakatakda itong dumaong sa Pier 5 ng siyudad.
Kasama ng biktima sa kanyang pagbiyahe ang kanyang 93-anyos na lola na si Candida Andales.

Sinasabing tinangka pang pigilan ng matanda ang kanyang apo ngunit nagpumiglas ito.

Dahil dito, naantala ang pagdaong ng barko.

Patay na nang marekober ng mga otoridad ang bangkay ng biktima.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter