Kasamahang pugante ni Tahir, nahuli sa Sarangani

GENERAL SANTOS CITY - Nahuli ng pulisya ang isang pugante na matagal na ring pinaghahanap matapos tumakas sa GenSan Reformatory Center sa lungsod.

Sinabi sa Bombo Radyo GenSan ni C/Insp. Jaime Tabucon, hepe ng Glan PNP, na ang nahuling suspek ay kinilalang si Lin Daut, 42, taga-Baliton, Glan, Sarangani province.

Ayon kay Tabucon, nahuli si Daut sa checkpoint ng crossing Kalatungan sa Barangay Burias, Glan.

Bago nahuli ang suspek, may natanggap silang impormasyon na may armadong tao na dadaan sa naturang lugar.

Nakuha mula kay Daut ang isang 9mm na baril, magazine at mga bala.

Inamin ni Daut na kasama nito sa kanilang pagtakas sa GenSan Reformatory Center noong 2000 si Tahir Alonto, ang lider ng Pentagon kidnap for ransom group.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter