'Flying Eye Hospital' nasa Iloilo Airport para sa free eye operation

ILOILO CITY - Lumapag sa Iloilo Airport sa Cabatuan, Iloilo ang eroplano ng ORBIS International, isang non- profit organization, na tinatawag na ORBIS Flying Eye Hospital.

Ito ay para magbigay ng libreng operasyon sa mata at training para sa mga opthalmologist sa lungsod at lalawigan ng Iloilo.

Ang libreng operasyon ay isasagawa mismo sa loob ng eroplano kung saan naroroon ang mga makabagong equipment na wala pa umano sa Pilipinas.

Napag-alaman na ang Iloilo ang pinakaunang lugar sa Pilipinas na pinuntahan ng nabanggit na 'flying eye hospital' kung saan tatagal sila ng dalawang linggo bago tumungo sa lungsod ng Bacolod.

Tanging ang lungsod ng Iloilo at Bacolod ang napili ng grupo na lugar na kanilang bibigyan ng libreng serbisyo sa Pilipinas.

Ang mga nais makakuha ng libreng operasyon ay kailangang sumailalim muna sa screening sa Western Visayas Medical Center.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter