PNP deployment sa INC rally, no big deal - Palasyo

Idinepensa ngayon ng Malacañang ang balak ng PNP na mag-deploy ng nasa 500 tauhan sa ‘February 28 Grand Evangelization and Bible Exposition’ ng Iglesia ni Cristo.

Sa nasabing pagtitipon ng kapatiran sa Quirino grandstand, nasa tatlong milyong miyembro ang inaasahang dadalo.

Sinabi ngayon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, normal lamang na mag-deploy ng malaking bilang ng pulis dahil malaking pagtitipon ng INC ang Bible exposition.

Ayon kay Lacierda, dapat lamang na matiyak ang seguridad ng mga dadalo laban sa anumang pananamantala.

Una ng sinasabi na ang grand rally ng INC ay pagpapakita umano ng pagsuporta kay Chief Justice Renato Corona.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter