Pamilya ng hazing victim, nagpasaklolo na sa Dept. of Justice

Dumulog na kay Justice Sec. Leila de Lima ang pamilya ng hazing victim na si Marvin Reglos para sa agarang imbestigasyon at ikaaresto ng mga suspek sa kremin.

Hiniling din ng ama na si Lucito na muling isailalim sa autopsy ang labi ng anak.

Kaugnay nito, inaatasan na rin ng kalihim ang National Bureau of Investigation (NBI) para mag-imbestiga sa kaso.

Si Reglos ay idineklarang dead on arrival sa Unciano Medical Center sa Antipolo City matapos magtamo ng matinding bugbog sa katawan dulot umano ng initiation rites sa pinasukan nitong fraternity sa San Beda.

Ang biktima ay first year law student sa nabanggit na paaralan.

Sangkot sa nasabing kremin ang mismong mga "brod" ni De Lima sa Lambda Rho Beta fraternity.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter