Arraignment ni CGMA bukas, limitado sa media coverage

Limitado umano sa media coverage ang gagawing arrignment bukas ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa kasong electoral sabotage.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Pasay-RTC Branch 112 spokesperson Felda Domingo, gaganapin ang pagbabasa ng sakdal ganap na alas-8:30 ng umaga sa sala ni Pasay Judge Jesus Mupas.

Kaugnay nito, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesman Supt. Danilo Pecana, na limitado lamang ang lugar para sa media sa loob courtroom kung kaya't magiging mahigpit umano ang coverage.

Samantala, nakahanda na rin umano ang security measures para sa rota na dadaan ng dating Pangulo mula sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City, kung saan ito naka-confine.

Ang mga tauhan ng Police Security and Protection Group ang naatasan na magsagawa ng arrangements para sa convoy, habang nakatalaga sa Pasay City Police pag-secure sa hall of justice at ang paligid nito.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter