Cuevas, sinubukang harangin si De Lima re: kritisismo sa TRO decision

Binigyang diin ngayon ng panig ng depensa na walang kaugnayan sa paglilitis kay Chief Renato Corona ang naging pahayag ni Justice Sec. Leila de Lima kaugnay sa pagtalakay ng Article 7 hinggil sa TRO ng SC para sa pagpapagamot sa ibang bansa ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating First Gentlemen Mike Arroyo.

Ayon kay dating Associate Justice Serafin Cuevas, ang mga pahayag ni De Lima ay pawang kritisismo sa naging desisyon ng Korte Suprema sa inilabas na TRO ng kataas -taasang hukuman.

"Testimony of witness is practically amending, criticizing SC decision. It has nothing to do with Corona impeachment," ani dating Associate Justice Serafin Cuevas.

Giit ni Cuevas na mistulang nagpapahiwatig ang mga pahayag ng kalihim na si Corona ay nararapat ma-impeach dahil sa umano'y pagiging mastermind nito sa pagpapalabas ng TRO.

"Corona is being impeached allegedly because he masterminded the granting of TRO, I don't see any testimony to prove that," dagdag pa ni dating Associate Justice Serafin Cuevas.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter