Defense sa prosec: Maghain na lang ng panibagong reklamo vs Corona

Bagama't maaga pa para sa defense panel ang paghayag ng konklusyon kaugnay ng impeachment case laban kay Chief Justice Renato Corona, mas makakabuting maghain na lamang ng panibagong impeachment complaint ang prosekusyon.

Ayon kay Defense Atty. Ramon Esguerra, sakaling hindi magtagumpay ang prosekusyon sa kanilang impeachment case ay malaya pa naman aniyang gawin ng House prosecution panel ang ganitong hakbang.

Inihayag ni Esguerra na hindi sapat ang mga ebidensya at testigong ipinepresenta ng prosekusyon laban sa punong mahistrado.

Aniya, ang mahalaga ay malinaw na napatunayan ng depensa na iligal ang mga dokumentong ginamit partikular na ang mga bank records ng punong mahistrado.

“Maybe they'll have a better complain,” ani Esguerra.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter