Pagbuo ng Task Force Esmeralda re: ambush, isinantabi muna ng PNP

Hindi muna bubuo ng task force ang Philippine National Police (PNP) para manguna sa imbestigasyon ng pag-ambush kay NBI deputy director Reynaldo Esmeralda at dalawa pang kasamahan nito sa Paco, Manila kagabi.

Ayon kay PNP chief director Gen. Nicanor Bartolome, wala pang nakikitang dahilan ang pulisya para bumuo ng grupo habang patuloy naman ang pagsisiyasat ng Manila Police District sa kaso.

Kaugnay nito, naglabas na rin ng direktiba ang PNP chief para tutukan at pagtuunan ng pansin ang nasabing insidente kung saan sangkot ang mataas na opisyal ng gobyerno.

Ayaw namang magkomento ni Bartolome sa sinasabing “ambush-me” na usapin kay Esmeralda.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter