(Update) Senior lawyers at magkaka-brod, agaw-pansin sa Corona trial

Agaw pansin sa Day 22 ng paglilitis kay Chief Justice Renato Corona ang appearance ng tatlong senior lawyers mula sa impeachment court, prosekusyon at depensa.

Marami ang nagtawanan matapos tawaging "brod" ni Senate President Juan Ponce Enrile kay prosecution lawyer at Northern Samar Rep. Raul Daza, habang nanonood lamang si defense lawyer at dating Justice Serafin Cuevas.

Nabatid na nabibilang ang mga ito sa isang grupo noong nag-aaral ng abogasya, partikular na ang Sigma Rho fraternity.

Si Cuevas ay nasa edad na 83-anyos, Daza, 88, habang si Enrile naman ay 88-anyos na.

Sa kabila ng magkaka-brod, nagbanggaan naman sa kanilang mga diskarte sa harap ng korte sina Cuevas at Daza.

Ang dalawa ay beterano na sa impeachment sa dahilang sila ang tagapagtanggol noon sa impeachment trial kay dating Pangulong Joseph Estrada.

Napag-alaman din na ang testigo na si Justice Secretary Laila de Lima ay "sister" din pala ng mga main players sa impeachment dahil miyembro ito ng Lambda Rho Beta fraternity.

Sina Senators Franklin Drilon at Joker Arroyo ay ka-brod din ni Enrile.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter