Mga kababayan ni Donaire sa GenSan, nagbunyi sa kanyang panalo

GENERAL SANTOS CITY - Labis umanong natutuwa ang mga kababayan ni Nonito "The Filipino Flash" Donaire Jr. sa General Santos City kasunod ng panalo nito kontra kay Wilfredo Vasquez Jr. sa San Antonio, Texas.

Ayon sa pamilya Donaire, hindi nila inaasahan ang pagwawagi ng GenSan boxer pero nagtiwala sila sa kanilang panalangin na mapagtatagumpayan nito ang ikaapat na world title.

Sinasabing napalundag pa sa tuwa ang pamilya Donaire sa Asai Village, Barangay Bula kasama sa Apopong at ibang bahagi ng GenSan matapos ideklara ang panalo via split decsion pabor sa "The Filipino Flash."

Kasabay nito, umaasa ang pamilya Donaire na makakabisita ang "The Filipino Flash" para makapag-usap ang mga ito.

Napag-alaman na sa lungsod ng GenSan nag-aral ng elementarya si Nonito bago nag-migrate sa Los Angeles, California kasama ang kanyang pamilya.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter