Walang casualties sa pinakahuling kaguluhan sa Syria - DFA

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pinoy casualties sa pinakahuling kaguluhan sa Syria kung saan umabot sa mahigit 200 katao na ang nasawi simula noong nakaraang gabi.

Ito ang naging assessment ng DFA hinggil sa 11 buwan ng karahasan sa nasabing bansa.

Una ng kinumpirma ng grupong Syrian Observatory for Human Rights at Local Coordination Committees na pinaulanan ng mortar shells ng security forces ni Syrian President Bashar Assad ang lungsod ng Homs.

Nabatid na sa area lang ng Khaldiyeh, 140 umano ang napatay sa pagsisikap ng mga sundalo ni Assad na makontrol ang lugar.

Una ng inihayag ni DFA spokesman Raul Hernandez na umaabot na sa mahigit 700 mula sa 10,000 mga OFWs ang naiuwi sa Pilipinas mula ng inilagay sa alert level 4 ang Syria dahil sa tumitinding kaguluhan.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter