Pananatili muna ni Arroyo sa VMMC, OK kay P-Noy

Suportado ng Pangulong Noynoy Aquino ang desisyson ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) na manatili muna si dating Pangulong Gloria Arroyo sa Veterans’ Memorial Medical Center (VMMC) habang nagpapa-therapy.

Sinabi ngayon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ipinagkakatiwala na ng Pangulo sa DILG at PNP ang mga usapin ng pag-secure sa dating Pangulo.

Ayon kay Valte, hindi ito haharangin o kokontrahin ng Malacañang at bahala dito ang korte kung may gagawing pagbabago.

Nag-iingat din umano ang PNP sa kanilang ginagawa dahil kung may mangyari kay Arroyo ay sila naman ang sisisihin.

“Hinahayaan na po kasi ng Pangulong Aquino lalo ho kapag when it comes to matters of securing the former President, hinahayaan na po niya ‘yan sa DILG at sa PNP.

At sinabi naman ho noong dalawang ahensya na mas mabuti hong i-extend ho muna ‘yung stay doon sa VMMC,” ani Valte.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter