Pagdalaw ni Arroyo sa burol ni Iggy, OK lang sa akin – Robredo

Kung si DILG Sec. Jesse Robredo ang masusunod, papayag itong makabisita si dating Pangulong Gloria Arroyo sa burol ng bayaw na si Rep. Iggy Arroyo.

Inaasahang sa susunod na linggo maiuuwi ang bangkay ni Rep. Iggy matapos matapos maantala dahil sa kontrobersya sa pagitan ng legal at common law wife.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Sec. Robredo, dahil bahagi ng tradisyon ng mga Pilipino ang pagdalaw sa yumaong kamag-anak, naniniwala siyang dapat itong mapahintulutan.

Ayon kay Robredo, dahil kaiba ang sitwasyon ni Congresswoman Arroyo, kailangan lamang na mapag-aralan kung paano, saan at kailan ang gagawing pagdalaw.

Maliban umano sa seguridad, kailangan ding ikonsidera na tuwing may lakad ang dating Pangulong Arroyo nagdudulot ito ng abala sa trapiko na perwisyo sa ibang tao.

"Ang pagdalaw ho sa kamag-anak na namatay tradisyon at kultura na po natin 'yan kaya sa palagay ko ho ay dapat pahintulutan, pero dahil kaiba ang kanyang circumstances kailangang pag-aralan kung kailan, saan at kung paano," ani Robredo sa Bombo Radyo.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter