Oil spill mula sa isang power plant, pinangangambahan ng mga residente sa Capiz

ROXAS CITY – Nagdulot ng pangamba sa maraming mga residente ang nadiskubreng pagtagas ng langis mula sa power plant ng isang kompaniyang nagsu-suplay ng kuryente sa buong lalawigan ng Capiz.

Gumagawa na ngayon ng hakbang ang lokal na pamunuan ng Panit-an, Capiz, upang masolusyunan ang oil spill mula sa power plant ng Inner Vantage Company.

Una nang napansin ng mga residente noong araw pa ng Miyerkules at Huwebes ang kumalat na langis sa Timpas Creek.

Inihayag sa Bombo Radyo Roxas ni Barangay Kapitan Liberato Degones Jr., ng Barangay Timpas, na ilang drum na ng langis ang nakuha ng mga empleyado ng nasabing planta mula sa creek kung saan malawakan na ang oil spill.

Ayon pa kay Degones, napansin na rin ng mga residente sa lugar ang patay na mga isda na nagsisipaglutangan sa tubig.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter