Sermon sa ‘piracy scandal’ tanggap ko - Llamas

Maluwag na tinanggap ngayon ni Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas ang sermon at mahigpit na babala ng Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III kasunod ng pagbili ng piniratang DVDs.

Magugunitang batay sa memorandum ng Office of the Executive Secretary (OES) na otorisado ng Pangulong Aquino, pinagsabihan nito si Llamas na huwag uulitin ang nakakahiyang ginawa at sinermunan ng tamang asal.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Sec. Llamas na wala siyang angal sa desisyon ng investigating body at naniniwala siyang tama lang ito para sa kanya.

Ayon kay Llamas, wala siyang anumang hinanakit sa sermon o paalalang inaprubahan ng Pangulong Aquino.
Una ng humingi ng paumanhin si Llamas at inamin ang pagkakasalang ginawa.

Napag-alamang nag-alok si Llamas na magbitiw sa puwesto pero pinigilan siya ng Pangulong Aquino dahil epektibo umano sa kanyang tungkulin.

“OK lang, dapat naman,” ani Llamas sa Bombo Radyo.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter