Mayabang na si Vazquez, tuturuan ko ng leksiyon - Donaire

Liban sa misyon na maiuwi sa Pilipinas ang ikaapat na titulo, hangad din bukas ni three-division world champion Nonito Donaire Jr. na turuan ng leksiyon sa kanilang laban ngayong Linggo ang dating Puerto Rican champion na si Wilfredo Vazquez Jr.

Matapos ang weigh-in, tiniyak ni Donaire na handa na siyang makipagbasagan ng mukha kay Vazquez.

Gigil umano siya na turuan ito ng leksyon dahil sa pagiging mayabang.

Inamin ni Donaire na ngayon lamang siya nagalit ng husto matapos siyang asarin ginanap na sa press conference kung saan tinanggal ni Vazquez ang kanyang sombrero.

Sa kabila nito, naisip pa rin ni Donaire na kahit nainsulto siya ay hindi siya dapat magpaapekto ng emosyon at dapat na manatili ang kanilang game plan.

Para naman kay Top Rank promoter Bob Arum, asahan na ang exciting na laban sa dahilan may istilo rin si Vazquez na sugod ng sugod.

Malaki aniya ang tsansa na ma-knockout ni Donaire si Vazquez dahil pareho silang offensive fighters.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter