DFA ‘facilitation’ lang sa repatriation ng labi ni Iggy - Palasyo

Nilinaw ngayon ng Malacañang na hanggang facilitation lamang ng mga requests ang maaring itulong ng gobyerno para maiuwi ang labi ni Rep. Iggy Arroyo.

Magugunitang nadismaya ang kampo ng legal wife na si Aleli Arroyo nang biglang harangin ng common law wife na si Grace Ibuna ang pag-uwi sa bangkay ni Rep. Iggy at inutusan ang punenarya sa London ang pagsasagawa ng cremation.

Sinabi ni Atty. Lorna Kapunan, hihiling sila ng tulong sa embahada ng Pilipinas sa United Kingdom sa harap ng kasong isasampa ni Ibuna.

Inihayag ngayon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, handa ang DFA na magbigay ng assistance para sa kinakailangang clearances sa repatriation ng labi ni Iggy.

Pero ayon kay Valte, hindi maaring makialam ang DFA sa internal issue sa pamilya na kinasasangkutan ng dalawang asawa ng kongresista.

“Yung ano naman po, ‘yung ating embahada po doon ay tumutulong po doon sa mga permit na kailangan para ma-repatriate po ‘yung labi ni Congressman Iggy Arroyo. Ngunit doon po sa mga isyung legal, ’yung mga parties na po siguro. Ang DFA naman po ay nakahanda lang pong magbigay ng tulong doon…Meron po kasing mga clearances na kailangang i-secure bago ho maiuwi ‘yung mga labi ngunit doon ho naman sa mga isyu na legal involving the family, wala na pong ano ang DFA diyan. Nagpa-facilitate lang po ang DFA ng mga requests. We understand from media reports that there seems to be an internal matter within the family and that is something that the DFA will not touch. We will only help facilitate papers and documents,” ani Valte.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter