Winner ng mega lotto, pambili sana ng biscuit ng kanyang kambal na anak ang itinaya

LAOAG CITY – Nanatili pa rin sa banko ang milyung-milyung perang pinanalunan ng isa sa dalawang winner ng Mega Lotto nitong linggo.

Ang winner na hindi na pinangalanan dahil sa kaniyang seguridad ay 36 anyos, may asawa at kambal na anak, tubong Laoag City ngunit  nakapag-asawa ng taga lungsod ng Batac at isang merchandiser.

Ayon sa ama ng winner na dating  pulis, ang mga numero ay matagal nang inaalagaan ng kaniyang anak.

Ang mga numero umano ay kombinasyon ng birthday ng kaniyang asawa, anak na kambal at ang birthday ng naturang winner.

Bago nanalo, nasabi nito sa kaniyang mga biyenan na magpapatayo siya ng bagong bahay kung mananalo sa lotto.

Ang P20 na itinaya ng winner ay hiningi niya sa kaniyang asawa na ibibili sana ng biscuit para sa kanilang mga anak.

Ayon pa sa ama nito, madalas hindi nagmemeryenda ang anak para lang may itaya sa lotto.

Isa rin sa anak na kambal ay may sakit.

Ang naturang lotto winner ay nakihati sa P42 million Mega Lotto jackpot sa isa pang winner na taga Sta. Cruz, Laguna.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter