Retrieval operations hiling para sa iba pang nalibing na minero sa CamNorte

LEGAZPI CITY - Naniniwala ang ilang mga residente ng Brgy. Palanas, Paracale, Camarines Norte na maliban sa dalawang minerong una nang natagpuang patay sa binahang minahan sa naturang lalawigan, mayroon pang ibang biktimang nalibing ng buhay subalit pilit umanong itinatago ng kumpaniyang nagpapatakbo sa naturang minahan.

Bunsod nito, hiniling ng lokal na pamahalaan ng Paracale sa Office of Civil Defense (OCD)-Bicol na magpadala ng retrieval team sa lugar upang magsagawa ng retrieval operations upang malaman kung gaano katotoo ang mga impormasyonng dinala na sa ibang lugar ang ilan sa mga biktima kung kaya't hindi na ito naipagbigay alam pa sa mga otoridad.

Kinumpirma ni OCD-Bicol Reg. Dir. Raffy Alejandro na natanggap na nila ang letter request ng Paracale LGU.

Unan nang sinibak ang hepe ng Paracale Municipal Police Station na si S/Insp. Honesto Garon dahil sa kabiguang masolusyunan ang problema sa iligal na pagmimina sa lugar.

Magugunitang dalawang minero ang kumpirmadong nasawi makaraang pasukin ng tubig ang minahan sa bahaging malapit sa karagatang sakop ng naturang lugar.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter