Disbarment case vs Lacierda, minaliit ng Palasyo

Handa umano si Presidential Spokesman Edwin Lacierda na sagutin ang disbarment case na kinakaharap sa Korte Suprema.

Magugunitang maliban kay Justice Sec. Leila de Lima, pinagkokomento na rin ng Korte Suprema si Lacierda kasunod ng reklamong isinampa ng isang Atty. Agustin Sundiam.

Nag-ugat ang reklamo sa umano’y pahayag nina De Lima at Lacierda laban kay Chief Justice Renato Corona na nakakasira sa buong hudikatura at nilabag din nila ang sinumpaang responsibilidad bilang mga abugado.

Sinabi ngayon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, siya mismo ang nakatanggap sa kopya ng Court order at nabasa rin nito ang kabuuan ng reklamo.

Ayon kay Valte, hindi malinaw ang reklamo dahil hindi nakasaad kung ano talaga ang statement o salita ng kanyang boss na nakakasira sa hudikatura.

Natatawa din umano ang opisyal dahil sina Lacierda at De Lima ang na-single-out samantalang hindi naisama kahit isa man lang sa 188 na kongresistang pumirma sa Articles of Impeachment laban kay Corona.

Posible umanong bahagi na lamang ito ng distraction o pangungutya dahil wala namang laman sa tatlong pahinang reklamo.

“Naku, handang-handa po ‘yang sagutin at in fact, ako ho ‘yung naka-received nung kopya. ‘Yung kay Secretary Lacierda wala hong nakalagay na ito ho ‘yung sinabi that is contemptuous, parang narrative lang po siya na kasi daw po may sinabing mga salita without saying in the petition what those words are. But rest assured that the Secretary will be ready to file his answer to it once,” ani Valte.

“Nakakatawa nga ho kasi pati ho ’yung si Secretary Lacierda at si Secretary de Lima ho ‘yung mga na-single out eh marami ho---’yung congressmen nga ho natin 188 ‘yung mga pumirma doon sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Corona ay wala naman hong…sila ho mismo ’yung nag-uusig at wala naman hong ganitong aksyon,” dagdag ni Valte.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter