Sulu strike, pinatunayang ‘di ‘safe haven’ ng terorista ang Phl - Palasyo

Binigyang-diin ng Malacañang na malinaw ang mensahe ng gobyerno kaugnay sa pagkakapatay ng tatlong lider ng terorista.
Sinabi ngayon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, patunay ito na hindi ‘safe haven’ o lungga ng mga terorista ang Pilipinas.

Ayon kay Valte, hindi titigilan ng mga puwersa ng pamahalaan ang mga terorista hangga’t hindi sila tuluyang napupulbos.

Pinupuri naman ng Malacañang ang maayos na ‘execution’ ng air strike kung saan walang nadamay na sibilyan.

Ngayong weekend ay magbibigay umano ng kabuuangm briefing si AFP chief Jesse Dellosa hinggil sa isinagawang operasyon.
 
“Tiwala po tayo dito dahil doon sa mga ginagawa din talaga ng ating Hukbong Sandatahan. Nakita naman po natin ‘yung nakaraan nilang pagwawagi doon laban sa mga terorista nga na in-air strike ho nila na mabilis, malinis, wala hong mga sibilyan na nadamay. Doon po pala sa mga nagtatanong, the President will be briefed more extensively on the result of the operations this weekend by General Dellosa,” ani Valte.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter