Pinoy banana scientist na nakabase sa Rome, pinarangalan sa Ilocos Sur

VIGAN CITY - Pinarangalan ng local government ng Ilocos Sur bilang outstanding Ilocano sa panig ng siyensya si Dr. Agustin Molina Jr., regional coordinator for Asia and the Pacific of Bioversity International na nakabase sa Rome, Italy.

Ang Asia and the Pacific of Bioversity International ay isang international reasearch and consultancy group ng mga banana scientists.

Tinanggap ni Dr. Molina ang parangal bilang bahagi ng selebrasyon ng 2012 Kannawidan Festival .

Bago ito, marami na ring inaning parangal si Molina.

Si Dr. Molina ay tubong Brgy. Manueva, Santa Ilocos Sur.

Siya ay graduate ng University of the Philippines Bachelor of Science in Agriculture (BSA ’73) at MS 1979 sa Science and Technology-Banana Research.

Sentro ng kanyang pag-aaral ang iba't ibang uri ng tanim na saging at kung paano paramihin at nang sa ganon ay mapreserba ang banana industry sa buong mundo.

Ayon sa kanya, mahalaga ang saging dahil isa ito sa prutas na may maraming bitamina na kailangan ng katawan ng isang tao.

Tinatawag din itong "the fruit of wise" na sagana sa vitamin C at potassium.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter