Pananatili ni Arroyo sa VMMC, 'for security and convenience' - DILG

Inihayag ngayon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo na maaaring manatili si dating Pangulong Gloria Arroyo sa Veterans’ Memorial Medical Center (VMMC) hangga’t hindi natatapos ang kanyang therapy.

Magugunitang kinumpirma kahapon ng pamunuan ng VMMC na nagdesisyon ang DILG at PNP na panatilihin muna si Arroyo sa VMMC dahil sa usapin ng seguridad.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Sec. Robredo, pangunahin sa kanilang konsiderasyon ang seguridad ni Arroyo at abalang idudulot ng araw-araw na pagbiyahe papuntang pagamutan.

Ayon kay Robredo, ililipat na lamang nila sa alinmang kulungan sakaling ipag-utos na ito ng Pasay City RTC na siyang may hawak ng kaso ni Rep. Arroyo.

“Ang sa akin lang ho eh hangga’t matapos ang duration ng kanyang therapy dahil unang-una ho ‘yung kanyang seguridad, at maiwasan ang abalang sa ating mamamayan,” ani Robredo sa Bombo Radyo.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter