'Conjugal room' para sa mag-asawang evacuees, planong itayo

CAGAYAN DE ORO CITY - Plano ngayon ng isang barangay chairman sa syudad ng Cagayan de Oro na magtayo ng "conjugal room" para sa mga mag-asawang nanatili sa mga evacuation centers.

Ito'y matapos makatanggap ng reklamo si Kapitan Rolando "Klarex" Uy sa Barangay Carmen mula sa mga mag-asawa na nahihirapan na silang "mag-love making"  sa isa't isa dahil sa kanilang kalagayan na walang pribadong lugar.

Maliban dito,  nagrereklamo na rin ang mga social workers dahil maraming mga bata ang makakakita kung sakali sa "love-making" ng mag-aasawa.

Nababahala naman ang mga social workers na lalo lamang itong magdudulot ng masamang ehemplo sa mga kabataan.

Kaya naman nais ni Kapitan Uy na ipaabot sa konseho ng lungsod ang naturang mga hinaing para mabigyan ng solusyon ang nasabing problema ng mga mag-asawa sa evacuation centers.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter