1 sugatan sa nangyaring sunog kagabi sa Cebu City

CEBU CITY - Isa ang sugatan sa nangyaring sunog kung saan umaabot 28 ang naabo na pamamahay sa Barangay Lahug, Cebu City kagabi.

Kinilala ang biktima na si Flor Fuentes na nagtamo ng second degree burn kung saan nalapnos ang balikat nito sa nangyaring sunog.

Una rito, natanggap ng mga bombero ang alarma dakong alas-9:12 kagabi na dali namang nerespondehan ng Cebu City Bureau of Fire Protection at volunteer fire units gaya ng Chinese Filipino Firetruck unit, ERUF at iba pang fire volunteers.

Ayon kay Cebu City Fire Marshall Aderson Comar, nagsimula ang apoy sa pamamahay ng isang Glenn Lucay-lucay kung saan narinig ng mga residente ang malakas na pagsabog.

Napansin na lang ang  malaking apoy na mabilis na kumalat sa katabing mga pamamahay na gawa sa light materials.

Naapula naman ng mga bombero ang apoy sa loob ng 15 minutos.
 
Tinatayang aabot sa P380,000 ang iniwang danyos ng sunog.

Patuloy pa rin namang inaalam ang dahilan ng naturang insidente.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter