Sumadsad na barko sa Ilocos Norte, pinangangambahan ang pagtaob

LAOAG CITY - Nangangamba ngayon ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa posibleng pagtaob ng sumadsad na MV Namyang 8 sa Brgy. Balaoi, Pagudpud, Ilocos Norte kapag may bagyo.

Ayon kay MENRO officer Jose Morata, malaking volume na ang nasipsip na langis na laman ng barko subalit hindi pa tuluyang natatanggal mula sa kinasadlakan dahil sa ilang legal issues na kailangang resolbahin.

Isa na rito ang malaking tanong kung sino ang susunod na magtatrabaho para sa pagtanggal sa barko dahil nakatakdang mag-expire sa Sabado ang kontrata ng salvor na Royal Jensan na nagsasagawa ng "siphoning."

Nangangamba si Morata sa peligrong ibubunga ng posibleng pagtaob ng barko kung hahampasin ng malalakas at malalaking alon lalo na't tag-ulan sa kanilang lugar hanggang sa buwan ng Disyembre.

Sinabi pa ni Morata na hanggang sa ngayon ay hindi pa malinaw kung sino ang gagawa ng salvage operation upang tuluyang matanggal ang barko.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter