Importer ng hot-rolled coils, kinasuhan ng smuggling sa DoJ

Dalawang negosyante at isang Customs broker ang sinampahan ng patong-patong na kaso ng Bureau of Customs (BoC) sa Department of Justice (DoJ), matapos na mapatunayang nandaya umano sa duties and taxes na dapat bayaran.

Mga kasong misdeclaration, undervaluation at  falsification of documents ang kinakaharap ngayon nina Peter Rafael Limson, chairman ng Rapid Forming Corporation at Jackson Sychingho, purchasing manager ng nasabi ring kompanya at ang kasabwat umano na babaeng Customs broker na si Generosa Caluag.

Nabatid na nag-import ng 14 milyong kilo ng hot-rolled coils ang mga akusado subalit idineklarang steel sheets kung kaya't undervalued ng 55 percent sa totoong halaga.

Sinabi ni Customs Commissioner Angelito Alvarez na dahil sa pandaraya ay mahigit sa P293 million ang buwis na hindi binayaran ng nasabing kompanya.

May nagbigay umano ng tip sa BoC ukol sa ginagawang pandaraya sa buwis ng Rapid Forming Corporation.   


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter