Pinoy teacher, pinarangalan sa China

Isa na namang gurong Pinoy ang nabigyan ng parangal ng Chinese government bilang outstanding foreign expert dahil sa husay nito sa pagtuturo ng Ingles sa Liaoning Province, China.

Tinanggap ni Frederick S. Lomibao ang parangal mula kay Liaoning Gov. Chen Zhenggao dahil sa naging kontribusyon nito sa ekonomiya, siyentipiko, teknolohiya, edukasyon at cultural development sa lalawigan.

Si Lomibao ay nagtuturo ng Ingles sa China sa loob ng anim na taon at ngayon ay nagtatrabaho sa isang pibadong paaralana sa Liaoning, Yingkou City.

Sa inilabas na kalatas ng embahada ng Pilipinas sa Beijing, isang karangalan sa bansa ang dala ng naturang Pinoy na guro at magsisilbing itong inspirasyon sa mga gurong naninilbihan sa bansa.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter