Mag-ina pinigil sa NAIA dahil sa birong may dalang bomba

Hindi pinayagang makalipad ang mag-ina sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA-1) patungong Italy matapos na magbiro na may dala itong bomba.

Ayon sa Media Affairs Bureau ng NAIA, nagbiro umano ang inang si Zenaida Sangalan na residente ng Brgy. Santa Rita, Batangas na may lamang bomba ang dala nitong bagahe.

Dahil dito, dinala ang mga ito sa Philippine Center Aviation Security upang imbestigahan.

Kaugnay nito, mariing itinanggi ni Sangalan ang naturang insidente at halip iginiit nito na hindi umano bomba ang laman ng kaniyang bagahe.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter