P-Noy: APEC trip, pagkakataon na rin para sa mga OFWs

YOKOHAMA, Japan - Sasamantalahin na umano ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III na makita ang kalagayan at maresolba ang problema ng mga OFWs dito sa Japan.

Batay sa pinakahuling statistics, merong 300,000 na OFWs ang nakatira at nagtatrabaho dito sa Japan kung saan karamihan dito ay engineers at manggagawa sa mga industrial companies.

Sinabi ngayon ni Charge' de Affaires Belen Anota, generally, maituturing na maayos ang kalagayan ng mga OFWs dito na bagama't may mga ilang problema ay naaayos
din kaagad.

Ayon kay Anota, pangunahin sa agenda ng Pangulo sa pakikipag-usap sa mga lider dito sa Japan ay kung paano matulungan ang mga nars at caregivers na makapasa sa mahigpit na screening o examination.

Ipinagmalaki pa ng opisyal na malaki na ang ipinagbago ng Filipino deployment sa bansa ngayon.

Dati ay kilala ang mga entertainers na Pinay dito sa Japan, ngayon umano ay pawang mga propesyunal at skilled workers na naka-empleyo.

"Seryoso ang pag-uusapan ng Pilipinas at Japan. Paano mas madaling makapasa sa exam ang ating mga nurses at caregivers," ani Anota. (Reymund Tinaza)


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter