Red tide alert sa Bataan at Sorsogon, tatagal pa hanggang 2011 - BFAR

Posibleng manatili pa ang ipinaiiral na red tide alert sa anim na bayan sa lalawigan ng Bataan at ilang lugar naman sa Sorsogon.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Asst. National Director Gil Adora, lubhang malawak ang mga apektadong lugar na kontaminado kaya hindi ito madaling huhupa.

Sa bahagi naman aniya ng Sorsogon, nakakaapekto na rin sa toxicity level ng tubig doon ang mga volcanic materials na ibinubuga ng bulkang Bulusan.

Dahil dito, mas pinaigting ng BFAR ang kanilang information drive upang maiwasang may malason na naman dahil sa mga lamang dagat sa nasabing mga lalawigan.

Batay sa record ng BFAR, noong 2004 pa nagsimulang magtaas ng red tide alert sa Sorsogon at mula noon ay pabalik-balik na ang kontaminasyon nito sa Sorsogon Bay.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter