P200,000 kada araw, pinamumulta sa gas leak ng FPIC - DENR

Nasa P200,000 kada araw ang multa ng First Philippine Industrial Corp. (FPIC) sa pinsalang dulot nito mula ng tumagas ang pipeline na pag-aari nito sa Brgy. Bangkal, Makati City.

Ito ang tiniyak ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Ramon Paje batay sa kanilang evaluation na isinagawa laban sa naturang kompaniya sa kabila ng pagkumpuni na kanilang ginawa.

Ayon kay Paje na kanilang ilalabas ang ginawang evaluation sa susunod na linggo.

Aniya nilabag ng kompaniya ang Clean Water and Toxic Waste Management Act na nagdulot ng malaking pinsala sa mga residente na una ng pinalikas mahigit sa tatlong buwan na ang nakakalipas dahil sa tagas ng petrolyo mula ng basement ng West Tower Condominium.

Una ng naghain ang mga residente nito ng 'writ of Kalikasan' laban sa kompaniya dahil sa perwisyong dulot nito kasama ang ilang non-government organisasyon  laban sa FPIC.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter