Sasakit ang ulo ng mananalo sa lotto - Obispo

Diniscourage ngayon ng isang obispo ang mga Pinoy na tumaya ng lotto, matapos na palaging pahabaan ang pila sa mga lotto outlet bunsod ng lumalaking premyo para sa Grand Lotto.

Inihayag ni Archbishop Emeritus Oscar Cruz na ang sinuman ang manalo ng halos P400 million na jackpot prize sa lotto ay mahihirapan lang umano.

Sakit lang anoya sa ulo kapag nanalo ng ganito kalaking halaga dahil hindi malaman kung sino ang bibigyan at kung saan itatago ang pera.

Napag-alaman na sa ginanap na lotto draw kagabi ay wala pa ring nakakuha sa jackpot prize.

Kasabay nito, binatikos naman ng Arsobispo ang mga opisyal ng gobyerno na aminadong tumataya sa lotto.

Una rito, inamin ng ilang senador at maging mismo si PCSO chairperson Margie Juico na tumataya sila sa Grand Lotto.

Ayon kay Arch. Cruz, bagama't hindi umano niya sinasabi na isa itong kasalanan, nagpapakababa umano ang naturang mga opisyal sa pagtaya sa lotto.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter