Brgy. kapitan, pinatay sa Ilocos Sur

VIGAN CITY – Patay mula sa tama ng kalibre .45 baril ang isang elected barangay captain ng Resureccion, San Juan, Ilocos Sur.

Kahahatid lamang ng biktimang si Brgy. Capt. Denmark Bueno, 38-anyos, ng kanyang anak sa pribadong paaralan sa bayan ng Magsingal, Ilocos Sur kanina nang dikitan ng nakamotorsiklong mga kalalakihan ang sinakyang Ford Expedition nito at saka binaril ng ilang ulit sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Naitakbo pa ito sa pagamutang bayan ng Magsingal, ngunit idineklarang patay na.

Ayon pa sa guwardiya, sinalubong ng isa sa mga suspek ang papalabas na biktima mula bakuran ng paaralan na katabi mismo ng simbahang katoliko.

Malapitan umano itong binaril ng pitong beses batay naman sa na-recover na pitong basyo ng bala sa pinangyarihan ng krimen.

Si Bueno ay isang negosyante at first termer na kapitan.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter