Pagtestigo ni Badal sa Maguindanao massacre, ikinatuwa ni Mangudadatu

Isang development sa kaso ng Maguindanao massacre ang paglantad ni dating Sultan sa Barongis Vice Mayor Sukarno Badal na sangkot sa pagpatay ng 57 katao noong Nobyembre 23, 2009 sa Ampatuan, Maguindanao.

Sa panayanm ng Bombo Radyo kay Maguindanao Gov. Ismael "Toto" Mangudadatu ikinatuwa nito ang paglutang ni Badal upang ihayag ang mga nalalaman lalo na't nandoon umano ito mismo ng naganap ang masaker.

Aniya sa statement umano ni Badal na kasama umano siya sa pagmasaker sa mga biktima na pinangunahan ni Andal Ampatuan Jr. 

Inihayag umano ni Badal na alam na ng dating bise alkalde ang plano ng mga Ampatuan na harangin ang paghain ni Mangudadatu ng kaniyang certificate of candidacy bilang gobernador ng Maguindanao.

"Ako'y masayang-masaya at nadagdagan ang aming witness, ito si Vice MAyor Sukarno Badal ay doon sa sangkot sa karumal-dumal na Maguindanao massacre, hindi lamang doon sa planning kundi hanggang doon sa planning. Sa kaniyang statement hindi lamang sa planning kundi hanggang execution andon po siya, few months before the massacre was done" ani Mangudadatu.

Samantala inihayag naman ng testigong si Sr. Pol. Officer Rainier Ebus sa kaniyang pagharap sa pagdinig ang ginawang pagbabaril ni Andal Jr. sa mahigit 40 mga biktima.

Kaugnay nito kinontra naman ng defense lawyer na si Atty. Sigfrid fortun ang mga naging testimonya ni Ebus na hindi umano magkatugma sa kaniyang sinumpaang salaysay.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter