November 29, holiday - Malacañang

Idineklara ngayon ng Malacañang na isang special non-working holiday ang Nobyembre 29, araw ng Lunes.

Ito ay may kaugnayan sa paggunita ng Bonifacio Day sa November 30 na nataon sa araw ng Martes.

Dahil sa Republic Act 9492 o kilalang holiday economics ng dating Pangulong Gloria Arroyo, inilipat ito sa araw ng Lunes.

Napag-alaman na batay sa nasabing batas, ang pagdiriwang ng mga movable holidays ay ilipat sa pinakamalapit na Lunes.

Dahil dito, sa halip na Martes, sa Nobyembre 29 na ang holiday at may pasok na sa November 30.    

Samantala, nagpaliwanag naman ang Malacañang kung bakit hindi inilipat sa araw ng Lunes ang holiday sa November 16 kaugnay sa pagdiriwang ng Eid'l Adha o Feast of Sacrifice ng mga Muslim.

Batay sa RA 9492, ang mga religious holidays ay hindi maaaring ilipat.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter