Ex-vice mayor Badal, mananatili muna sa custody ng militar

KORONADAL CITY - Wala pang plano si DoJ Sec. Leila De Lima na iutos ang paglilipat sa dating vice mayor ng Sultan sa Barongis na si Sukarno Badal patungong Metro Manila.

Nilinaw ni De Lima na mananatili muna sa ngayon ang dating opisyal sa kostudiya ng 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army dahil sa malaking banta sa kanyang buhay mula sa pamilya ng mga Ampatuan.

"Napaka-importante ng security niya sa ngayon, kaya hindi pwede na magdesisyon ako na dalhin siya kahit saan," ani De Lima.

Una rito, inihayag ng kalihom na maituturing na "eksplosibo" ang mga nalalaman ni Badal sa nangyaring Maguindanao massacre.

Kinumpirma naman ni De Lima na kinokonsidera nilang maging state witness si Badal sa kaso ng Maguindanao massacre.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter