2 sugatan sa pagtaob ng 3 bangka sa Cagayan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Tatlong bangka ang tumaob sa karagatang sakop ng Sta. Ana, Cagayan.

Batay sa impormasyong nakarating sa Bombo Radyo Tuguegarao mula kay C/Ins. Romeo Macapaz, hepe ng Sta. Ana police station, sakay umano sa bangka ang mga mangingisda na pawang residente ng Brgy. Palawig, Sta. Ana nang ma-recue ng Philippine Navy at kapulisan.

Kinilala ng mga otoridad ang mga sugatan na sina Jose Renon Jr. at Rosario Alla.

Nabatid na nagpumilit ang mga biktima na pumalaot sa kabila ng mga pag-ulan sa Cagayan para mangisda nang mangyari ang insidente.

Sa kuwento ni Macapaz sinabi nito na lumubog ang kanilang bangka matapos na mawasak nang hampasin ng malalaking alon dala ng malalakas na hangin sa Brgy. San Vicente, Sta. Ana.

Sa ngayon ay nakauwi na sa kani-kanilang tahanan ang mga biktima.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter