You are here: HomeNews UpdateInternational NewsChina reclamation sa South China Sea at pagdeklara ng ADIZ, iligal - sec. of state nominee

China reclamation sa South China Sea at pagdeklara ng ADIZ, iligal - sec. of state nominee

By  Posted in International News Thursday, 12 January 2017 18:07

WASHINGTON - Nagpahiwatig ang nominado ni US President-elect Donald Trump sa pagiging secretary of state na si Rex Tillerson, na magiging mahigpit ang susunod na administrasyon sa Beijing.

 

Binatikos ni Tillerson ang pag-angkin ng China sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

 

Sa kaniyang confirmation hearing, sinabi ng dating Exxon Mobil CEO na inaangkin ng China ang teritoryong hindi naman sa kanila.

 

"They're taking territory or control, or declaring control of territories that are not rightfully China's," ani Tillerson.

 

Ayon pa sa secretary of state nominee ni Trump, iligal ang reclamation ng Beijing sa West Philippine Sea, maging ang pagdeklara ng Air Defense Identification Zone (ADIZ) sa East China Sea.

 

Sa East China Sea matatagpuan ang isla na pinag-aagawan naman ng Japan at Beijing.

 

Binalaan din ni Tillerson ang China kaugnay sa nuclear program ng North Korea.

 

Aniya, hindi maaring patuloy na tanggapin ng Estados Unidos ang walang laman daw na mga pangako ng China kaugnay sa pag-pressure sa Pyongyang para itigil ang nuclear program nito.

Read 137 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.